Itinuturing ni Senador Chiz Escudero na pagpapakita ng pagiging ignorante at kawalan ng respeto sa liderato ng pambansang pulisya at sa uniporme, ang pagpatay sa Korean businessman na si Jee Ick Joo sa loob ng Kampo Crame.
Sinabi ni Escudero na malakas ang loob ng mga pulis dahil kinunsinte at kinanlong ng administrasyon ang mga abusadong pulis katulad ni Chief Superintendent Marvin Marcos, ang hepe ng Criminal Investigation and Detection Group ng PNP o Philippine National Police sa Region 8.
Sinabi ni Escudero na kailangang papanagutin agad ng pamahalaan ang mga sangkot sa pagpatay sa Koreanong negosyante upang mapatunayan ng pamahalaan na hindi kinukunsinti ang mga abusadong pulis.
By: Katrina Valle / Cely Bueno