May pagtatangka umanong i cover up o i whitewash ang pananagutan ng mga Pulis Caloocan na dawit sa pagpaslang kay Kian Loyd Delos Santos.
Ito ayon kay Senate Minority Floorleader Franklin Drilon ay malinaw sa mga naging pahayag ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na aniya’y may kiling na o pag pabor sa mga Pulis Caloocan.
Sinabi ni Drilon na hindi na maaasahan pang magiging patas ang DOJ sa pag iimbestiga sa nasabing kaso lalo nat ikinunsidera ni Aguirre na collateral damage si Kian at isolated at blown out of proportion ang nasabing insidente.
Muling nanawagan si Drilon na payagan ng DOJ na ang ombudsman na ang mag imbestiga sa pagkamatay ni Kian.
By: Judith Larino / Cely Bueno
SMW: RPE