Umarangkada na ang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) sa nabunyag na ‘hospital pass for sale’ sa Bureau of Corrections (BuCor).
Ayon kay NBI director Dante Gierran, bago pa ang hospital pass issue ay inatasan na sila ni Justice secretary Menardo Guevarra na imbestigahan ang pagpatay kay Ruperto Traya Jr., chief administrative officer-3 ng BuCor na nakatalaga sa document processing division.
Sinabi ni Gierran na inaaalam nila kung may koneksyon ang pagpatay kay Traya sa nabunyag na ‘Good Conduct Time Allowance (GCTA) for sale’ sa BuCor.
Samantala, sa ilalim naman ng ‘hospital pass for sale’, nagbabayad di umano ang mayayamang bilanggo para sa ospital na lamang sila manatili.
Kahapon I received the department of order coming from the Department of Justice, particularly from our speaker of Justice Menardo Guevarra na inofferan kami [NBI] na imbestigahan yung; una, pagkamatay ni Mr. Traya, kasi yung pagkamatay niya (…) lumilitaw na parang konektado sa anomalya doon sa GCTA,” ani Gierran.
(Balitang Todong Lakas Interview)