Bubuksan ng QCPD o Quezon City Police District ang imbestigasyon sa di umano’y pagpatay ng mga pulis ng QCPD sa apat katao sa Barangay Payatas Quezon City na itinago sa Oplan Tokhang.
Ito ay makaraang hilingin ng CENTERLAW o Center for International Law sa Korte Suprema ang pagpapatigil sa Oplan Tokhang sa Quezon City dahil inabuso ito ng ilang pulis.
Ayon kay Senior Superintendent Guillermo Eleazar, hepe ng QCPD, handa naman silang sumunod sa kung anuman ang maging kautusan dito ng Korte Suprema.
Gayunman, nanindigan pa rin si Eleazar na lehitimong police operations ang lahat ng isinasagawa ng kanyang mga tauhan na may kaugnayan sa Oplan Tokhang.
Bahagi ng pahayag ni QCPD Director Guillermo Eleazar
Inamin ni Eleazar na posibleng mangyari ang alegasyon na naka-sibilyan ang mga pulis na pumatay sa apat (4) katao sa Barangay Payatas.
Ipinaliwanag ni Eleazar na pinapayagan naman nila ito lalo na sa mga discreet operations laban sa mga hinihinalang sangkot sa illegal drugs.
Kung hindi man anya naaksyunan ang pangyayaring ito ay dahil wala namang dumulog sa kanila para maghain ng pormal na reklamo.
Bahagi ng pahayag ni QCPD Director Guillermo Eleazar
By Len Aguirre | with Interview from Ratsada Balita