Inako ng teroristang grupong Islamic State ang pagpatay sa labing walong (18) sundalo sa Nigeria at West Africa sa mga isinagawa nilang pag-atake nitong mga nakaraang araw.
Batay sa ISIS Newspaper na Al-Nabaa, napatay ng Jihadist group ang nasa labing tatlong (13) sundalong Nigerian sa kanilang pag-atake sa military barracks sa isang bayan sa nasabing bansa noong linggo.
Bukod pa ito sa limang (5) sundalong namatay sa pag-detonate nila ng bomba sa isang sasakyan sa Lake Chad region.
Samantala, wala pang ipinalalabas na komento ang Nigerian military hinggil sa pahayag ng Islamic State.
—-