Maaaring hudyat na nang pagsisimula ng election season ang serye ng pagpatay sa mga local elected officials.
Ito ang inihayag ng Malacañang makaraang kondenahin ang pagpatay kay Sudipen, La Union Mayor Alexander Buquing.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, hindi naman maikakaila na pulitika ang nasa likod ng krimen lalo’t magsisimula na ang filing ng certificate of candidacy (COC) sa susunod na linggo.
Dapat na anyang maparushan ang lahat ng pumapatay upang maibalik ang takot ng mga kriminal sa lipunan.
Si Buquing na ang ika-17 elected official na napatay sa ilalim ng Duterte administration.
Bukod sa alkalde, patay din sa pamamaril ng mga hindi nakilalang salarin ang kanyang bodyguard na si Rolando Juan Be at driver na si Bonifacio Depdepen habang sugatan ang asawang si Vice Mayor Wendy Buquing.
—-