Mariing kinondena ng isang Kongresista ang pagpatay kay Rolando Yumol, Tatay ng Ateneo shooting suspect na si Dr. Chao Tiao Yumol sa Lamitan City.
Ayon kay House deputy minority leader at Basilan Rep. Mujiv Hataman, walang saysay ang pagkitil ng buhay at hindi dapat hayaan na ang pagkakamali ng iba ay maging sanhi ng pagpatay sa inosenteng tao.
Anuman aniyang karahasan ay walang lugar sa lipunan kung nais na umunlad at kumawala mula sa imahe ng kaguluhan sa lalawigan.
Samantala, umaasa si Hataman na ang pagpatay sa ama ng suspek ay hindi na masundan ng karahasan.
Umapela rin ito sa publiko na huwag nang gatungan ng ispekulasyon ang mga pangyayari.