Mariing itinanggi ng Democratic Forces for the Liberation of Rwanda (FDLR) isang armadong grupo sa silangan ng Congo ang pagpatay kay Italian Ambassador Luca Attanasio at sa dalawa pa nitong kasamahan kasunod ng akusasyon ng pamahalaan na sila ang nasa likod ng pamamaslang.
Batay sa pahayag ng FDLR nitong Martes, wala silang kinalaman sa pag-atake at tinawag pa itong isang duwag na pagpatay.
Ayon kay Pierre Boisselet mula sa Kivu Security Tracker isang research initiative, hindi maaaring itanggi ng FDLR ang akusasyon subalit sa ngayon wala pang ebidensya na magpapatunay na sangot ang naturang grupo sa krimen.
Matatandaang, nasawi rin sa inisdente ang body guard ni Attanasio at ang kanyang World Food Programme driver na si Mustapha Milambo.—sa panulat ni Agustina Nolasco.