Posibleng ipatupad na ng Philippine National Police (PNP) sa iba pang malalaking okasyon at aktibidad sa bansa ang pagpatay sa ‘communication signal’ gaya ng ginawa sa traslacion ng Itim na Nazareno sa Quiapo sa Maynila.
Ito ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Director Oscar Albayalde ay para maiwasan ang anumang banta ng terorismo na maaaring makapagpalala sa sitwasyon.
Gayunman, nilinaw ni Albayalde na hindi ito maaaring gawin sa sa mga international activity kagaya ng ASEAN Summit kung saan mahalaga ang cellphone signal lalo na para sa mga delegado.
Kaugnay dito, sinabi din ni Albayalde na malaki ang tiyansa na gawin na taon-taon ang pagsuspinde sa mobile services sa tuwing sasapit ang traslacion.