Napilitan nang magbitbit ng armas ang ilang miyembro ng Bureau of Customs Employees Association (BOCEA) bilang proteksyon matapos ang magkakasunod na pagpatay sa kanilang hanay.
Ayon sa BOCEA, noong una ay may listahan ng mga posibleng target ng mga pag-atake pero kalauna’y maging mga mabuting empleyado sa ahensya ay naging biktima na rin kaya’t naguguluhan umano sila sa ngayon.
May mga lisensya anila ang mga naturang empleyado para magdala ng baril.
Nakatakda namang makipagpulong ang BOCEA sa Philippine National Police at National Bureau of Investigation hinggil sa issue.
Simula Disyembre 23, noong isang taon hanggang Pebrero 11, dalawa na ang napatay sa tauhan Kawani ng Aduwana, dalawa ang nasugatan habang dalawang insidente ng paghahagis ng granada na rin ang naitala.