Pinaiimbestigahan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpatay kay Atty. Anthony Trinidad sa Negros Oriental.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, nais mabatid ng pangulo kung sino at ano ang motibo ng nasabing krimen.
Sinabi ni Panelo na ang mga abogado ay itinuturing na officers ng korte at katuwang ito sa pagbibigay ng hustisya kaya’t hindi makatuwirang patayin ang mga ito.
Gagawin aniya ng gobyerno ang lahat para mapanagot ang mga pumatay kay Trinidad.