Ipinanawagan na ng COMELEC sa P.N.P. ang pagsasagawa ng malalimang imbestigasyon sa pagpatay sa isang Municipal Elections Officer sa Bayan ng Lope De Vega, Northern Samar.
Sa gitna ito ng pangamba ng mga residente na maging mitsa ng political violence sa May 9, 2022 polls ang nasabing krimen.
Aminado si Atty. Felicisimo Embalsado, COMELEC Assistant Regional Director ng Eastern Visayas, na ikinagulat nila ang pagkakapatay kay Lope De Vega Acting Elections Officer James Mahanoy lalo’t abala ang poll body para sa halalan sa susunod na taon.
Gayunman, tiniyak ni Embalsado sa mga residente na kumikilos na ang mga otoridad at maaaring isolated case lamang ang pagpatay kay manahoy at hindi pa maaaring ituring na may kaugnayan sa eleksyon.
Huwebes ng umaga nang pagbabarilin ng hindi pa nakilalang salarin sa ulo at katawan ang kwarenta’y dos anyos na biktima habang nagmamaneho ng motorsiklo papasok ng trabaho sa barangay Somoge. —sa panulat ni Drew Nacino