Kinondena at ikinadismaya ng Supreme Court o SC ang pagpatay kay Butuan City Regional Trial Court Branch 4 Judge Godofredo Abul Jr.
Nananawagan din ang SC sa mga awtoridad na maglunsad ng imbestigasyon at bigyang katarungan sa lalong madaling panahon ang papatay kay Abul.
Sabado ng umaga nang pagbabarilin si Abul ng riding-in-tandem sa bahay nito sa Alviola Village, Barangay Tiniwisan habang nasugatan sa insidente ang asawa ng hukom na si Bernardita.
Pasakay na sana sa kotse ang mag-asawa nang biglang sumulpot ang dalawang hindi nakilalang lalaki na lulan ng motorsiklo.
Magugunitang nasuspinde si Abul ng Korte Suprema ng anim na buwan simula noong Pebrero dahil sa extortion case na isinampa ng isang pari na kaanak ng isang sangkot sa illegal drugs.
By Drew Nacino