Kinundena ni Kidapawan city bishop Jose Colin Bagaforo ang pagpatay sa isang social action worker ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa Cotabato city.
Pinagsasaksak at pinagbabaril ng mga hindi nakilalang salarin ang biktimang si Wilerme Agorde, animnapu’t apat na taon sa harap mismo ng kanyang apo sa bayan ng President Roxas, North Cotabato, noong Pebrero a-disi nwebe.
Ayon kay Bagaforo, naka-aalarma na ang kaliwa’t kanang patayan dahil mismong mga taga-simbahan na ang pinapaslang.
Hindi anya makatarungan na kahit ang mga church worker na nagsisilbi sa mga mahirap ang nagiging biktima ng pagpatay.
Si Agorde na isang peasant leader, ang nagsisilbing project coordinator ng agrarian reform program ng CBCP national secretariat for social action.
By Drew Nacino