Ipinauubaya na ng Malakanyang sa pamunuan ng Department of Justice ang pag-imbestiga sa kaso ng pagpatay sa killer ni dating Mayor Moises Espinosa sa loob ng National Bilibid Prison sa Muntinlupa City.
Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abegail Valte na nakatitiyak siyang nakarating na kay Justice Secretary Benjamin Caguioa ang insidente at ipinaiimbestigahan na ito.
Hindi na aniya kailangan pang ipag-utos kung ano ang dapat gawin dahil tiyak na mayroon ng ginagawang hakbang para mabatid ang nangyari sa insidente.
Pinupuna ng mga kritiko ang tila pagiging maluwag ng seguridad sa loob ng pambansang piitan dahil malayang nagagawa ang krimen lalo sa mga nais na likidahin sa loob ng kulungan.
By: Aileen Taliping (Patrol 23)