Kinondena ng Malacañang ang pagpaslang kay Mayor Dario Otaza ng Loreto, Agusan del Sur at anak nitong si Darryl matapos dukutin kagabi.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Sonny Coloma, isang kaduwagan ang ginawa ng mga dumukot sa mag-ama.
Sinabi ni Coloma na umaasa silang ang pagkamatay ng mag-amang Otaza ay magdudulot ng pagkakaisa sa Lumad community sa paghahangad ng pang matagalang kapayapaan sa kanilang lugar.
By Judith Larino | Aileen Taliping (Patrol 23)