Inako na nang nagpakilalang miyembro ng New People’s Army ang pagdukot at pagpatay sa mag amang Mayor Dario Otaza ng Loreto, Agusan del Sur at anak nitong si Darryl.
Sa inilabas na sulat ni NPA Southern Mindanao Command Spokesman Rigoberto Sanchez, sinabi nitong pinatay nila ang mag amang Otaza dahil sa persecution ng mga ito sa lalaban sa kanila at mga hinihinala niyang miyembro ng NPA.
Ayon kay Sanchez si Mayor Otaza ang nag utos sa pagpatay sa mga lumad sa Agusan del Sur samantalang sangkot naman ang batang Otaza sa mga kaso ng torture at arson sa mga lumad na nais nilang burahin sa kanilang bayan
Si Otaza ay dating miyembro ng NPA na nagpasuko sa mahigit 200 rebelde at tumulong sa reintegration ng mga ito sa civil society.
By: Judith Larino