Nababahala na ang National Union on People’s Lawyers (NUPL) ang sunud-sunod na pananambang gayundin ang pagpatay sa mga abogado.
Ayon kay Atty. Ephraim Cortez, Secretary General ng NUPL, nakaa-alarma ang nangyayaring pagpaslang sa mga abogado kung saan aabot na sa 38 ang bilang ng mga ito mula noong 2016.
Kung magpapatuloy aniya ang pagpaslang sa mga abogado, mawawalan umano ng mga tatakbuhan ang taumbayan para maipagtanggol sila sa korte.
Dahil dito, umapela si Cortez sa mga kinauukulan na paglaanan ng sapat na panahon ang naturang usapin upang matugunan at matiyak ang personal gayundin ang propesyunal na kaligtasan ng mga abogadong Pilipino.