Kung hindi matitigil ang patuloy na pag-uudyok ng gobyerno na patayin ang mga drug suspect, inihayag ni Senador Kiko Pangilinan na hindi lang ang tinatanggap na grant o tulong sa Millenium Challenge Corporation ang maaapektuhan.
Ayon kay Pangilinan, posibleng maging ang mga investment at trade o pakikipagkalan ng ibang bansa sa atin ay apektado.
Kaugnay nito, iginiit ni Pangilinan na dapat ikambyo ng gobyerno ang ginagawang pagpatay sa mga drug suspect sa ilalim ng pinaigting na kampanya kontra illegal na droga.
Makabubuti aniyang huwag itratong mga kriminal na kailangang patayin ang mga adik sa halip, ituring ang mga ito na may sakit na addiction na kailangan ng medical assistance para makapagbagong buhay.
Una rito, nagpasya ang Millenium Challenge Corporation na isuspinde ang pag-grant ng pondo sa pilipinas dahil sa pangamba sa napapabalitang hindi pagsunod sa Rule of Law at Civil Liberties ng administrasyong Duterte.
By: Meann Tanbio / Cely Bueno