Mariing kinondena ni Senadora Loren Legarda ang nangyaring pagpatay ng mga hinihinalang sundalo sa walong Lumad kabilang na ang chieftain o pinuno nito sa Lake Sebu, South Cotabato nuong Disyembre a-tres.
Batay sa natanggap na impormasyon ng Senadora, nangyari umano ang pamamaril habang nag-aani ang mga katutubo sa sinasaka nilang lupain subalit hindi pa aniya malinaw kung sino ang nasa likod nito.
May ilang saksi na nagsasabing militar umano ang siyang bumaril sa mga katutubo dahil sa suot ng mga ito habang may ilan namang nagsasabing NPA ang siyang nasa likod ng pamamaril.
Dahil dito, kinalampag ni Legarda ang AFP o Armed Forces of the Philippines na aksyunan ang nasabing ulat sa pamamagitan ng malalimang imbestigasyon hinggil dito.