Ipinauubaya na ni House Majority Floor Leader Rodolfo Fariñas kay House Speaker Pantaleon Alvarez ang imbestigasyon sa mga kaso ng pagpatay sa mga menor de edad.
Ayon kay Fariñas, naka-depende ang hakbang na kay Alvarez kung pangungunahan ang imbestigasyon sa mga menor de edad na napapatay dahil sa mga anti-illegal drugs operations ng Philippine National Police.
Inihayag naman ni Alvarez na kailangang imbestigahan ng Kamara ang mga pagpatay kasabay ng kampanya ng gobyerno laban sa iligal na droga.
Naniniwala ang House Speaker Alvarez na malinaw ang motibo sa pagpatay sa mga kabataan at ito ay upang sirain at sisihin ng publiko ang gobyerno.
Hindi rin anya malayong ang mga drug lord ang nasa likod ng pananabotahe sa mga police operation upang matigil ang gobyerno sa kampanya kontra droga.
Ulat ni Jill Resontoc
SMW: RPE