Kinondena ng Presidential Task Force on Media Security ang pagpatay sa reporter at radio anchor na si Orlando “dondon” Dinoy sa inuupahang apartment sa Bansalan, Davao del Sur, Sabado ng gabi.
Ayon kay Media Security Task Force Executive Director Undersecretary Joel Egco, tinitingnan nila ang posibleng pagkakasangkot ng dalawa o tatlong indibidwal sa pagpatay kay Dinoy habang inaalam din aniya nila kung ang motibo ng pagpaslang sa biktima ay may kinalaman sa kaniyang trabaho.
Samantala, ayon sa National Union of Journalist of the Philippines (NUJP), si Dinoy ang 21 mamamahayag na pinaslang mula noong 2016.