Kinondena ng Presidential Task Force on Media Security ang pagpatay sa mamamahayag na si Orlando “Dondon” Dinoy.
Ayon kay Media Security Task Force Executive Director Undersecretary Joel Egco, tinitingnan nila ang posibleng pagkakasangkot ng dalawa o tatlong indibidwal sa pagpatay kay Dinoy.
Inaalam din aniya nila kung ang motibo ng pagpaslang sa biktima ay may kinalaman sa kaniyang trabaho.
Tumanggi naman si Egco na magbigay pa ng karagdagang detalye kaugnay sa krimen.
Ayon sa National Union of Journalist of the Philippines, si Dinoy ang ika-21 mamamahayag na pinaslang mula noong 2016.
Nasawi si Dinoy matapos pagbabarilin sa inuupahang apartment sa Bansalan, Davao Del Sur, sabado ng gabi. –-sa ulat ni Jen Valencia-Burgos (Patrol 29), sa panulat ni Hya Ludivico