Hinimok ng mga grupo ng international parliamentarian at civil society leaders si Pangulong Rodrigo Duterte na itigil na ang nakaaalarmang pagpatay ng mga awtoridad sa mga drug suspect bilang bahagi ng kampanya kontra iligal na droga.
Ayon sa Progressive Alliance at Party of European Socialists, manganganib maapektuhan ang trade deal ng Pilipinas sa European Union kung mabibigo ang Duterte administration na pahintuin ang patayan maging ang political persecution ng mga kritiko ng gobyerno.
Nagpapatuloy anila ang pagpatay sa mga personalidad na inaakusahang sangkot sa iligal na droga nang walang ebidensya at paglilitis bagay na itinatanggi at pinagtatakpan ng Pilipinas sa international community.
Ikinaaalarma rin ng mga nasabing grupo ang pagpapatahimik ng pamahalaan sa kumakalaban sa administrasyon.
—-