Hinimok ng simbahang katolika ang mga mananampalataya na magsalita laban sa mga kaso ng walang habas na mga pagpatay o summary killings
Sa isang pastoral message, sinabi ni CBCP President at Lingayen – Dagupan Archbishop Soc Villegas na nakasaad sa banal na kasulatan ang mga katagang binitiwan ni hesukristo: anuman ang gawin mo sa iyong kapwa, ginawa mo sa diyos
Hindi aniya dapat magsawalang kibo ang kahit sino kapag ang pinapatay ang isang kriminal o hinihinalang kriminal
Wala aniyang kapayapaan para sa mga duwag dahil bawat buhay ay sagrado at dapat pangalagaan
Kasunod nito, hiniling ng arzobispo sa lahat na ipagdasal ang bayan at hilingin na magtapos na ang kultura ng pagpatay sa bansa
By: Jaymark Dagala