Kumpyansa ang senado sa pagkalap ng mga dokumento at sa testimonya ng mga iniimbitahang testigo sa tuwing nag-iimbestiga ang mataas na kapulungan sa iba’t-ibang isyu.
Ito’y ayon kay senador Panfilo ‘Ping’ Lacson, matapos na sabihing wala siyang nakikitang magiging epekto sa imbestigasyon ng senado kaugnay sa pagpapatigil ng ombudsman sa lifestyle checks at paghihigpit sa paglalabas ng Statement Of Assests Liabilities and Networth (SALN)
Paliwanag kasi ni Lacson, kadalasan ay inaasa nila ang kanilang imbestigasyon sa kanilang nakakalap na mga dokumento at iba pang bagay na magdidiin sa kaso sa halip na pagbase sa SALN.
Samantala, iginiit ni Senador Lacson, na sa malamang ay hindi magiging sagabal sa mga isasagawa nilang imbestigasyon ang bagong labas na polisiya ng pamunuan ng ombudsman.