Kinatigan ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang kautusan ni Ombudsman Samuel Martires na ipatigil ng isinasagawang lifestyle check sa ilang mga pampublikong opisyal.
Ayon kay Guevarra, kanyang nauuwaan ang ginamit na batayan ni Martires sa naging pasiya nito.
Sinabi ni Guevarra, hindi tiyak na matutukoy o makikita ang pagkakasangkot ng isang opisyal sa katiwalaan sa pamamagitan lamang ng lifestyle check.
Paliwanag ng kalihim, kinakailangang sabayan din ito ng malalimang imbestigasyon sa partikular na kurapsyon o kriminal na gawain.
Una rito, sinabi ni Martires na kanyang ipinatigil ang pagsasalang sa lifestyle chesk sa ilang opisyal dahil wala aniya siyang nakikitang lohika dito.
Dagdag ni martires, gusto niya ring ipanukala ang pag-aiyenda sa Republic Act 6713 o Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials.