Itinuturing ng Malacañang na isa sa maraming opinyon ang naging pahayag ni dating Presidential Spokesman Edwin Lacierda bilang depensa kay dating Pangulong Noynoy Aquino.
Ito’y makaraang sabihin ni Lacierda sa pamamagitan ng Twitter na hindi magpapa-angat sa mga pampublikong diskusyon ang pagmumura ng kasalukuyang Pangulo at babalik dito ang argumento dahil sa pangit na pananalita nito.
Ayon kay Presidential Communications Assistant Secretary Ana Marie Banaag, ayaw na nilang palakihin pa ang buwelta ng Lacierda dahil nirerespeto nila ang naging pananaw nito.
Magugunitang minura ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating Pangulong Noy sa harap ng mga kawani ng BIR o Bureau of Internal Revenue makaraang sabihing walang nangyari sa kampaniya ng kasalukuyang administrasyon kontra iligal na droga.
By: Jaymark Dagala / (Ulat ni Aileen Taliping)
Photo Credit: PCOO /RTVM Malacanang