Iminungkahi ng DFA o Department of Foreign Affairs na ang Philippine Coast Guard (PCG) ang siyang magpatrolya sa Panatag Shoal kesa sa Philippine Navy.
Ayon kay DFA Spokesman Assistant Secretary Charles Jose, mas mainam kung gagamitin ang civilian ships ng coastguard dahil mas madali itong makapagpadala ng impormasyon hinggil sa posibleng development sa lugar.
Ginawa ni Jose ang pahayag bilang reaksyon sa sinabi ni Supreme Court Senior associate Justice Antonio Carpio na dapat magpadala si Pangulong Rodrigo Duterte ng Philippine Navy sa Panatag shoal.
Para sa DFA official, posibleng ma-misinterpret kung gagawin ang mungkahi ni Carpio.
By Meann Tanbio