Inihayag ng palasyo na makakatulong para sa mental health ng mga batang 5 taong-gulang pataas ang pagpayag na sila’y makalabas.
Paliwanag ng kalihim, humingi ng payo ang gobyerno sa mga eksperto kaugnay sa pag-alis ng stay at home policy sa mga bata.
Gayunman, sinabi ni Roque na nariyan pa rin ang banta ng delta variant sa bansa kaya ang mga batang lalabas ay kailangan na may kasamang matanda.
Matatandaang pinayagan na ng IATF na makalabas ang mga bata sa mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine at Modified GCQ.