Ikinatuwa ng Commission on Human Rights (CHR) ang naging pasya ng Inter-Agency Task Force (IATF) na payagang makalabas ng bahay ang mga batang may edad lima pataas.
Ayon kay CHR Spokesman Atty. Jackie De Guia, malaki aniya ang maitutulong nito sa aspetong pangkaisipan at pag-uugali ng mga kabataan.
Aniya, labis na naapektuhan ang mga kabataan dahil sa limitadong social interaction, remote learning at pagsasara ng mga recreational facilities dulot ng pandemiya.
Ngayong bawal pa rin ang face-to-face classes sa mga paaralan, sinabi ni De Guia na makatutulong ang paglabas ng mga bata kaakibat ang ibayong pag-iingat sa banta ng virus.