Binatikos ng Workers’ and Peasants’ Party ang Commission on Elections matapos na payagang tumakbo sa 2025 midterm elections si Pastor Apollo Quiboloy na kasalukuyang nakakulong Pasig City Jail.
Ayon kay Party President Sonny Matula, ang desisyon ng COMELEC ay taliwas sa katwiran at katarungan ng isang indibidwal dahil hindi dapat aniya binibigyang reward ang isang tao na may record na.
Una nang naghain ng motion for reconsideration ang WPP na idiskwalipika ang si Quiboloy sa pagtakbo sa halalan, subalit, ibinasura naman ito ng COMELEC dahil wala anila itong matibay na ebidensya.
Gayunman, una nang sinabi ni MATULA sa kanilang apela na binabastos ng nasabing pastor ang electoral process sa pamamagitan ng pagkandidato nito.
Si Quiboloy ay nahaharap sa patong-patong na kasong may kinalaman sa child and sexual abuse at qualified human trafficking. – Sa panulat ni Jealine Doinog