Hindi tinanggap ng isang konsymer group ang alibi ng Department of Energy (DOE) sa kung bakit nito pinayagang magtaas ng presyo ng liquified petroleum gas (LPG ang mga kumpaniya ng langis.
Ayon kay Atty. Victorio Dimagiba, Conveyor ng Laban Konsyumer Incorporated, kalapastanganan sa probisyon ng Bayanihan to Heal as One Act (BAHO) ang ginawang desisyon ng DOE.
Sa panayam ng DWIZ, iginiit ni dimagiba na may umiiral na krisis kaya’t dapat nilang pigilan ang anumang mga paggalaw sa presyo ng mga produkto tulad ng lpg na kabilang sa pangunahing kinakailangan ng publiko.
So, dapat po ‘yan ‘yung Inter-Agency Task Force at lalo na ang Department Of Energy, siya yung nag utos sa mga kompanya ng langis na nagtitinda ng LPG na umiiiral ang price freeze dahil sa batas nitong declaration of emergency, Eh nangyari po nag-annouce ‘yung mga oil companies ng increases wala naman nakikitang aksyon mula sa Department of Energy ani Dimagiba.
Matatandaang kaya pinayagan ng DOE ang mga kumpaniya ng langis na magtaas sa presyo ng lpg ay dahil sa tapos na ang pinairal na price freeze salig sa naunang deklarasyon ni pangulong rodrigo duterte nuong Abril 14.
Ito’y kahit pinalawig pa ng pangulo ang pag-iral ng enhanced community quarantine (ECQ) sa ilang panig ng bansa hanggang Mayo 15.
Dahil dito, sinabi ni dimagiba na tila mali ang interpritasyon ng DOE sa itinatadhana ng baho law na umiiral na bago pa lang mapaso naman ang pagpapatupad ng price freeze.
Bakit naman nagkaroon pagtaas ng presyo ng LPG, samantalang LPG liwanagin ko ay isa sa mga basic necessity na nakasaad sa price act, mali nga ‘yung interpretasyon galing mismo sa pamahalaan; mali kasi hindi nila inintindi ‘yung spirit ng bayanihan to heal as one law. Ano he-heal mo diyan sa presyo ng LPG, pinayagan mong tumaas sa P60.00 sa isang tangke. ani Dimagiba