Kinondena ni Bishop Jose Elmer Mangalinao ang naging desisyon ng gobyerno na payagan muli ang operasyon ng copper mining sa Nueva Vizcaya.
Batay sa post sa website ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, ikinalungkot ni Bishop Mangalinao ang balitang ito ngunit hindi aniya sila matatahimik at patuloy na ipaglalaban ang itinuturing nilang tahanan.
Tinutukoy rito ni Bishop Mangalinao ang Didipio Gold-Copper mining operations ng Oceanagold Corp sa Nueva Vizcaya.
Una rito, inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang naturang desisyon ay para mabigyan ng hanapbuhay ang maraming Filipino ngayong panahon ng pandemya kasabay ng pagtitiyak ng responsableng pagmimina mula sa kumpanya.