Iginiit ni Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio na labag sa konstitusyon ang pagpayag ng Pilipinas na mangisda ang China sa exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.
Ginawa ni Carpio ang pahayag sa gitna ng nabunyag na di umano’y berbal na kasunduan ng Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jinping na payagan ang isa’t isa na makapangisda sa mga lugar na kapwa inaangkin ng dalawang bansa.
Ayon kay Carpio, maliban sa labag sa konstitusyon, malinaw na hindi rin pantay ang kasunduan kaya’t dapat lamang na hindi ito kilalanin ng Pilipinas.
Isa anya sa pinakamalaki sa mundo ang fishing fleet ng China samantalang mga kahoy na bangka lamang ang gamit ng mga Pinoy.