Makabubuti sa PNP o Philippine National Police kung ipasisilip umano nito ang kanilang case folders sa Commission on Human rights.
Ayon kay CHR Spokesperson Atty. Jackie de Guia , makikita dito kung tunay na nanlaban ang mga suspek na nasawi sa mga operasyon kontra illegal na droga at para patunayan na hindi “state- policy” ito.
Samantala positibo pa rin aniya ang CHR na pagbibigyan ng PNP ang kanilang kahilingan na ipasilip ang case folders ng mga ito sa kabila ng hindi pagpayag ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Matatandaaang noong Biyernes, ipinahayag ni Interior and Local Government Officer-In-Charge Undersecretary Catalino Cuy na hindi pinahintulutan ng Pangulo ang nasabing kahilingan ng CHR.