Tinawag na katangahan ni dating Senior Associate Justice Antonio Carpio ang pagpayag sa China-backed Dito telecommunity na magtayo ng cell towers sa loob ng military camps sa gitna ng banta nito sa pambansang seguridad.
Ayon kay Carpio, ang go-signal ay katumbas nang pagpayag na rin sa China na maglagay ng i “listening device” sa teritoryo ng Pilipinas kasabay nang paggigiit sa kakayahan ng East Asian giant na maglagay ng spy software at applications sa pamamagitan ng towers.
“I think it’s very dumb of us to allow those towers to be installed inside military camps,” ani Carpio sa panayam ng CNN Philippines’ The Source.
Just imagine, putting a tower inside of the military camp— and the equipment, all those chips on these towers are made in China, they can just put in spy firmware, the software come from China,” paliwanag pa niya.
Maaari aniyang magamit ang nasabing spy applications sa eavesdropping o pagrecord ng pag-uusap ng mga tao kahit naka-off ang mobile phones.
“You ask any security analyst who’s familiar with cybersecurity, and they will tell you, absolutely do not allow towers to be installed in your military camps. Because it’s like allowing China to put a listening device in your conference room… I think it’s a no-brainer,” pagbibigay-diin ni Carpio.
Una nang kinumpirma ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na lumagda siya sa isang kasunduan na nagpapahintulot sa third telco na magtayo ng cell towers sa loob ng mga kampo ng militar.