Umapela ang Philippine Fireworks Association (PFA) kay Pangulong Rodrigo Duterte na payagan na silang mag-export ng kanilang produkto sakaling matuloy na ang total ban ng paputok sa bansa.
Ayon kay Jovenson Ong, PFA President, susubukan nilang makiusap sa Pangulo na payagan silang maipagpatuloy ang kanilang hanapbuhay sa pamamagitan ng pag-eexport.
Ani ong naalala niya noon nang magkita sila ng Pangulo sa kanilang business organization at sinabi nito na bakit hindi na lamang sila mag-export.
Sagot aniya nuon sa Pangulo ay dahil kailangan pa nila ng economies of scale para sa dami ng biniling kemikal at sila ay makalaban sa exportation.
Matatandaang inihayag ni Pangulong Duterte ang kaniyang planong ipagbawal na nang tuluyan ang mga paputok sa bansa sa 2021.