Nilinaw ni Health Secretary Francisco Duque, III na hindi siya nakonsulta kaugnay sa hakbang na payagan ang pagpasok sa bansa ng mga fully vaccinated travelers mula sa tinatawag na “green countries”.
Ayon kay Duque, maging ang ibang opisyal na sina Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez at Interior Secretary Eduardo Año ay wala rin umano noong napagdesisyunan ito.
Sinabi ng kalihim na dadaan ulit ito sa pagtalakay at pagaaral ng iatf dahil sa ilang mga isyung kailangang silipin sakaling ipatupad ang nasabing hakbang.
Binigyang diin ni Duque na suportado niya ang pagsasailalim sa 5-day quarantine kasunod ay confirmatory test na talagang negatibo sa COVID-19 ang isang byahero.