Nanganganib maunsyami ang American dream ng may 400,000 mga Pinoy na nakapila para mapetisyon ng kanilang pamilya pa-Amerika.
Ito ay sa sandaling maisabatas ang reporma sa US Immigration Law na itinutulak ni US President Donald Trump.
Sa ilalim ng batas, hindi na papayagang mapetisyon patungo ng Amerika ang magulang at kapatid ng isang US citizen.
Babawasan rin ang isang milyon kada taon na greencard o permanent residency na ibinibigay ng Amerika.
Sa halip ay mas papaboran na ang mga skilled applicant base sa merito o point system na ginagamit rin ng Australia at Canada.
Ilang Pilipino sa Amerika ang nagpahayag ng pag-asa na mabanggit ito ni Pangulong Rodrigo Duterte sakaling makausap si Trump sa Nobyembre para sa ASEAN meeting.
By Len Aguirre