Tinawag na pambubully ni Senador Panfilo Lacson ang pagpigil ng Amerika na magbenta ng armas tulad ng mga assault rifles sa Pilipinas
Ayon sa Senador, hindi makatuwiran ang naging hakbang ng Amerika dahil isang equal sovereign state nito ang Pilipinas at sinasabing matagal nang kaalyado nito ang bansa
Giit ni Lacson, dapat nagpakita muna ng resulta ang US State Department hinggil sa kanilang ginawang imbestigasyon na nagpapatunay sa sinasabi ni US Senator Benjamin Cardin hinggil sa mga kaso ng pang-aabuso sa karapatang pantao
Bagama’t aminado si Lacson na posibleng maka-apekto sa pagpapatupad ng capability enhancement program ng PNP ang usapin, maaari naman aniyang simulan na ng PNP ang paghahanap ng mabibilhan ng kanilang armas
Inihalimbawa pa ni Lacson ang Taiwan na sa Germany na bumibili ng armas sa halip na sa Amerika na mas nakabuti pa aniya dahil maganda at mas angkop ito sa kanilang law enforcement.
By: Jaymark Dagala / Cely Bueno