Itinanggi ng BI o Bureau of Immigration na sila ang naglabas ng hold departure order para kay Action Star Robin Padilla.
Ayon kay Immigration Spokesperson Maria Antonette Mangrobang, Agosto 3, 1993 at Hulyo 25, 1995 nang alisin ang hold departure order laban kay Padilla.
Matatandaang, batay sa salaysay ng aktor sa kaniyang post sa social media, sinabi nitong pinigilan siyang umalis ng bansa dahil sa hold departure order na inilabas ng BI or Bureau of immigration laban sa kaniya.
Magtutungo umano si Robin sa China batay na rin sa imbitasyon ng prinsesa ng Sultanate of Sulu upang saksihan ang pagdiriwang ng matibay na relasyon ng China at sultanato.
______