Muling dudulog sa Korte Suprema ang iba’t ibang sektor upang hilinging pigilan ang pagpapatupad ng K-12 Program.
Ayon kay Kabataan Partylist Representative Terry Ridon, pangunahing magiging laman ng kanilang panibagong petisyon ang kalagayan ng mga college professors na syang pangunahing apektado ng K-12 Program.
Pagpasok sa senior highschool ng mga estudyante sa susunod na taon, dalawang taong walang papasok na bagong college students kaya’t mawawalan ng trabaho ang maraming college professors.
By Len Aguirre | Ratsada Balita