Umapela si Senador Bong Go sa punong ehekutibo na maglabas ng isang Executive Order para mapigilan ang nagpapatuloy na pagtaas ng presyo ng baboy, manok, at ilan pang bilihin sa bansa.
Ayon kay Go, dapat nang magtakda ng price ceiling ang punong ehekutibo.
Paliwanag ni Go, marami sa ating mga kababayan ang hindi ma-afford o makayanan ang presyo ng ilang bilihin sa merkado lalo na ang mga ‘minimum wage earners’ o mga manggagawang kumikita ng P537 kada araw.
Kasunod nito, inihayag ni Go na kanyang sinusuportahan ang plano ng agriculture department na dagdagan ang pag-aangkat ng karne baboy para maibaba ang presyo ng mga ito sa pamilihan.
Sa ngayon kasi, nasa higit 50,000 metrikong tonelada ang inaangkat na karneng baboy ng bansa.