Itinuturing na good choice ni Senador Panfilo Lacson si dating AFP Chief of Staff Roy Cimatu bilang bagong DENR Secretary.
Ayon kay Lacson, kilala niya si Cimatu noong sila ay nasa PMA o Philippine Military Academy.
Masasabi aniya niya na kwalipikado ito na maging kalhim ng DENR dahil ito ay competent at sensible na public official.
Idinagdag pa ni Lacson na mahusay na nagampanan ni Cimatu ang mga dating naging posisyon na hinawakan nito sa gobterno tulad ng pagiging AFP Chief of Staff at ambassador.
By: Meann Tanbio / Cely Bueno