Bahala na ang mga mambabatas na amiyendahan ang batas hinggil sa pagpili ng mga alkalde sa kanilang barangay chairmen kaysa magsagawa pa ng barangay election.
Ipinabatid ito ng Commission on Elections (COMELEC) matapos maghain si Eastern Samar Representative Ben Evardone ng panukalang naglalayong ibigay ang karapatan sa municipal o city mayor na magtalaga ng barangay at Sangguniang Kabataan Chairmen, 30 araw matapos niyang mahalal.
Sinabi ni COMELEC Spokesman James Jimenez na susunod lamang sila sa magiging desisyon ng mga mambabatas sa nasabing usapin.
By Judith Larino