Pinaalalahanan ng Commission on Elections (COMELEC) ang mga Partylist Group na tiyaking ang pipiliing nominee ay tunay na kinatawan ng kanilang sector.
Ayon kay COMELEC Spokesman James Jimenez, dapat ay mismong ang Partylist Group na ang magbantay sa kanilang grupo at hindi dapat magamit.
Itinakda ang filing ng nominees sa Oktubre.
Una nang inihayag ng COMELEC na hindi na ito magsasagawa ng automatic review ng Partylist groups na nag-aapply ng accreditation para sa 2016 elections.
By Judith Larino