Balewala ang pag-endorso ng mga pulitiko, grupo o indibiduwal ng kani-kanilang manok para maging susunod na PNP Chief.
Iginiit ni PNP-PIO Chief Supt. Wilben Mayor na ang PNP ay isang non-political organization at walang polisiya ang PNP hinggil sa paghingi ng endorsement.
Sinabi ni Mayor na tanging ang Pangulo lamang ng Pilipinas ang dapat mamili ng hepe ng PNP batay na rin sa qualification at merits ng isang kandidato.
Magugunitang lumutang ang iba’t ibang pangalan ng mga opisyal na ini-endorso ng mga pulitiko bilang kapalit ni PNP-OIC Chief Director General Leonardo Espina na nakatakdang mag-retiro sa July 11.
By Judith Larino