Sinimulan na ng Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpili sa magiging susunod na Ombudsman kapalit ni Ombusman Conchita Carpio Morales.
Sa kabila ito nang kakasimula pa lamang ng Judicial and Bar Council o JBC sa pagsala sa mga aplikante sa pagka-Ombudsman para makabuo ng shortlist na irerekomenda sa Pangulo.
Ayon sa Pangulo, mayroon na siyang hawak na ring shortlist bukod pa kinunsulta na rin niya ang maraming sektor sa pipiliing susunod na Ombudsman.
Nabatid na sampu ang nag-apply para maging susunod na Ombudsman kabilang si Labor Secretary Silvestre Bello III na sumalang sa public interview kahapon.
—-