Hinimok ni dating Akbayan Rep. Walden Bello si Presumptive President Rodrigo Duterte na pumili ng mga tamang tao sa kaiyang gabinete.
Ito ang reaksyon sa DWIZ ni Bello kasunod ng naging pahayag ni Duterte na kanyang ibibigay sa maka-kaliwa o komunistang grupo ang ilang mga kagawaran tulad ng DAR, DOLE at DSWD.
Ayon kay Bello, kinakailangang may political will ang sinumang uupo sa mga nabanggit na departamento kahit pa hindi ito tanggapin ng komunistang grupo.
Una nang inihayag ni CPP-NDF Founder Jose Maria Sison na hindi nila tatanggapin ang mga alok na pusisyon ni Duterte hangga’t hindi nagkakaroon ng linaw ang peace talks sa pagitan nila at ng pamahalaan.
Death penalty
Pinanindigan rin ni Bello ang pagtutol sa panukalang buhayin muli ang parusang bitay.
Ayon kay Bello, bagama’t malaki ang pangangailangan para rito dahil sa talamak na pag-iral ng krimen at droga, nangangamba pa rin siyang maabuso ito.
Dahil dito, pinayunan ni Bello si presumptive president Rodrigo Duterte na pag-aralang maigi ang panukala bago ito tuluyang ipatupad sa paniniwalang hindi sagot ang bitay sa pagsugpo sa krimen.
By Jaymark Dagala | Karambola